
bansero
1 week ago
Santo Tomas City, Philippines
LAGUNA SOUTHWOODS PRODUCTS, INC.
Full time
₱60,000 - ₱80,000 per year
Job Title: Bansero (Saw Operator / Wood Cutter)
Job Description
Ang Bansero ay responsable sa paggamit at pagpapanatili ng makinang band saw, circular saw, at iba pa na ginagamit sa pagputol ng kahoy o troso ayon sa kinakailangang sukat. Siya ay nagsisiguro na tama ang sukat ng bawat putol, maayos ang paghawak ng materyales, at ligtas ang operasyon ng makina upang makamit ang target na produksyon. Kasama rin sa tungkulin ang simpleng pag-aayos at paglilinis ng makina at pagtulong sa iba pang gawaing pang-produksyon.
Key Responsibilities
- Gumamit ng makinang band saw, circular saw, at iba pa para hatiin o putulin ang kahoy ayon sa sukat na ibinigay.
- Basahin at sundin ang mga sukat, pattern, o instruksyon ng paggupit.
- Suriin ang kahoy o troso bago putulin upang masiguro ang kalidad at maiwasan ang depekto.
- Ayusin at i-calibrate ang makina para makuha ang tamang sukat ng hiwa.
- Gumawa ng simpleng paglilinis at maintenance ng makina at talim ng lagari.
- Sumunod sa mga safety protocol habang nagpapatakbo ng makina.
- Ayusin at ilipat ang mga naputol na materyales sa tamang lugar.
- Iulat agad ang anumang problema sa makina o panganib sa kaligtasan.
- Panatilihin ang kalinisan at kaayusan ng lugar ng trabaho.
- Tumulong sa iba pang kaugnay na gawain sa produksyon kung kinakailangan.
Job Requirements
- Marunong gumamit ng band saw o iba pang makinang pamutol.
- Kayang sumunod at magbasa ng eksaktong sukat.
- May kaalaman sa iba't ibang uri ng kahoy at tamang paraan ng pagputol (advantage).
- May simpleng kasanayan sa mechanical works para sa pag-adjust at paghasa ng talim.
- May lakas at tiyaga sa pagbubuhat at pagtayo ng matagal.
- Maingat at disiplinado sa kaligtasan at detalye ng trabaho.
Other Requirements
- Handa magtrabaho sa maingay, maalikabok, at pisikal na mabigat na kapaligiran.
- Marunong sumunod sa tagubilin at kayang magtrabaho kahit kaunting superbisyon.
- Responsable at marunong makipagtulungan sa kapwa manggagawa.